RSS | Archive | Random

About




Welcome to The Chronicles!

The official online magazine of
United Architects of the Philippines - Student Auxiliary (UAPSA)
University of Santo Tomas Chapter


Visit us:
Organization Room, 6th floor, Beato Angelico Building, UST

Contact us:
uapsa.ust@gmail.com
or ask us here at The Chronicles

Follow UAPSA National at:
UAPSA National Official Twitter



The UAPSA-UST Executive Board 2011-2012

KIMBERLY S. TIAM-LEE
President


NIEL ANDREW F. ANG
Vice President for External Affairs


IAN P. DUNGGANON
Vice President for Internal Affairs


THEA S. ALBERTO
Secretary


JENI ALYS M. LING
Treasurer


JERICO C. GRANDA
Auditor


DANIELLE C. VILLAFRANCA
Public Relations Officer


KARIN KESHA N. MACAVINTA
Assistant P.R.O.


VANESSA M. ROSARIA
Chairwoman for Marketing Committee


KLARADELLE SOL B. VILLAMAYOR
Chairwoman for Secretariat and Documentations Committee


ABIGAIL CAMILLE S. MANALO
Creative Director



All Rights Reserved
2011
17 January 12

Isang Handog Ngayong Pasko

Written by: Klaradelle Sol Villamayor

Ang Pasko ay ang pinaka-inaabangan na araw buong taon. Sinisimbolo nito ang pagmamahalan, pagsasama-sama, kasiyahan at pag-uugnay. Isa rin itong selebrasyon dahil ito ang araw na ipinanganak si Hesus. Sa Pilipinas, tuna yang paghahanda ng mga Pilipino sa pagdating ng kapaskuhan. Wala pang buwan ng Disyembre, nagsisimula nang magsabit ng dekorasyong pampasko ang mga tao tulad ng Parol, makukulay na ilaw, Christmas Tree at Belen, nagsisimula na rin magpatugtog ng Christmas Songs at magbenta ng mga paskong pagkain tulad ng Bibingka at Putobumbong at nagsisimula na ring sumikip ang mga malls dahil dumarami na ang mga taong bumibili ng mga pangregalo.

Isang inspirasyon ang panahon ng pasko sa taumbayan. Hinandog ng mga organisasyon ng Arkipella Mix Ensemble, Arkitrato at United Architects of the Philippines – Student Auxiliary – University of Santo Tomas (UAPSA-UST) Chapter, ngayong panahon ng kapaskuhan ang isang pagdiriwang sa pagsalubong sa Paskong Pilipino para sa mga mag-aaral ng UST – College of Architecture. Ito ay ang Pamaskong Handog: Himig, Sining at Saya na ginanap noong Disyembre 13-15, 2011 sa Beato Angelico Lobby. Isa itong paraan ng upang mas lalong maramdaman ang kapaskuhan sa pamamagitan nang pangangaroling, pagsalu-salo sa pagkain at sa mga litrato at imahe na nagpapakita at nagsisimbulo ng kapaskuhan.

Ang Pamaskong Handog: Himig, Sining at Saya ay naghahati sa tatlong magkakaibang aspeto ng pagdaos ng diwa ng pasko sa Beato Angelico Building.

Himig – ito ang taunang pangangaroling ng organisasyon ng Arkipella Mix Ensemble hindi lang upang ipamalas ang kanilang talento sa pagkanta, kundi upang iparamdam din ang simoy ng Pasko sa Beato Angelico Bldg. Sa taong ito, kasama rin ang UAPSA Band sa pangangaroling upang ihandog din ang pamaskong mga kanta at ang ang kanilang mga sariling awitin.

 Sining – Ang pagsisimbulo ng sining sa panahon ng pasko ay ang pangunguna ng organisasyon ng Arkitrato gamit ang mga litratong nakadisplay upang ipakita ang kagandahan ng Pasko sa ating kultura at sa ating bansa.

Saya – Hindi nakukumpleto ang saya sa pasko kung wala ang bagay na nagdadala ng pagsasalu-salo sa ating mga Pilipino, pagkain at mga pangregalo. Mayroong mga stalls/bazaar sa pagsasalu-salo tulad ng Personal Shirts, Sonic Media, Nubla’s Catering Services, Buko Express at Mookies by Nat and Kaycee na nagbebenta ng kani-kanilang mga produkto sa mga mag-aaral at mga guro sa Beato Angelico Bldg.

Tunay na ipinamalas ang simoy ng pasko sa tatlong araw ng pamaskong paghandog sa Beato Angelico Building. Isang Pilipinong Pasko na tunay na naramdaman sa mga mag-aaral at guro sa College of Architecture.

  1. uapsaustchronicles posted this
Themed by Hunson. Originally by Josh